The Gospel, Tagalog, p. 17

Ang Ebanghelyo, Tagalog, p. 17

                         

Pauna Pahina             Kasunod Pahina

Ti nipon sila ng Diyos at sa takdang panahon upang ipataw ng Diyos ang Kanyang matuwid na hatol sa kanila. Ito, samantala ay nangangahulugan na ang tanging mga pinakamasama ay karapat-dapat sa hatol ng Diyos. At iyong mga natira (mga di namatay sa pagguho) ay tila nabuhay ng mabuti kaya hindi napasailalim sa hatol ng Diyos. Ang paniwalaan ang ganitong uri ng kaisipan, samantala, ay paniniwala rin na ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan. Nagbigay ng babala si Hesus sa mga naniniwala sa ganitong pamamaraan, na sila ay nahaharap sa walang hanggang kapahamakan.   Inutusan Niya sila na magsisi — iwanan ang lahat ng pag-asa na nasa pagtatamo ng matuwid na katayuan sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, at magtiwala sa Diyos lamang para sa kanilang ikaliligtas.

Sa Hebreo 9:9-14 tinawag ng Bibliya na ang mga sakramento o ritual na pagrelihiyon upang sa pamamagitan nito ay masubukang abutin ng tao ang Diyos bilang mga “gawang patay.”
Sa mga naunang kabanata, ang may akda ay sinabi sa atin sa Hebreo 6:1 na “ang saligan ng Kristianong pananampalataya ay “pagsisisi mula sa mga patay na gawa at pananampalataya sa Diyos.” Ang ibig sabihin nito, ay kailangan tigilan ng tao ang pagtitiwal sa mga gawang patay (relihiyosong ritwal, mga sakramento, atb.) bago niya magamit ang tunay na pananampalataya sa Diyos na nakapagliligtas.

Ang utos ng Bibliya ay maliwanag. Kung ang tao ay mananalig sa kanyang relihiyon upang makapunta sa langit, kailangan siyang magsisi (Mateo 3:7-9). Kung siya naman ay nananalig na ang pagsunod sa batas ng Diyos ay kailangan upang makapunta sa langit, kilangan siyang magsisi (Lukas 13:1-5). At kung siya ay nananiwala na kailangan ang pagsasagawa ng mga ritwal na pangrelihiyon o mga sakramento upang maligtas, ay kailangan siyang magsisisi, at itigil ang pagtitiwala sa anumang bagay na iyon upang maligtas siya (Hebreo 6:1) Katulad ng tao sa pahina 14, kailangan niyang ibalik ang kanyang “salapi” sa kanyang bulsa at tinangap ang buhay na walang hanggan bilang regalo na walang bayad!

Ang pananampalataya kay Hesus ay di makapagliligtas sayo, habang ikaw ay nanalig sa Kanya kasabay na nananalig ka rin na ang bawtismo, pagsisimba, o pagtupad sa sampung utos ng Diyos ay “makakatulong” sa iyo upang makarating ka sa langit.  Hindi puwede na idadagdag mo si Hesus sa mga listahan ng iba pang mga bagay na kailangan mong gawin o kailangan “maging” ikaw upang makapunta ka sa langit. Kailangan mong itakwil ito sapagkat walang halaga o saysay ito para sa kaligtasan kundi magtiwala ka lamang kay Hesus-Kristo.

                         

Pauna Pahina             Kasunod Pahina

1   2     3     4     5     6     7     8     9     10     11     12     13     14     15     16     17     18     19     20     21     22     23     24     25     26     27     28