The Gospel, Tagalog, p. 27

Ang Ebanghelyo, Tagalog, p. 27

                         

Pauna Pahina             Kasunod Pahina

TUNGKOL SA MUNTING AKLAT NG EBANGHELYO

Sa ngayon, iba’t-ibang klase ng mga mensahe ng “ebanghelyo” ang dumadagsa sa radyo, telebisyon, at pulpito sa buong mundo.  Sila ay sumasaklaw mula sa mga madamdaming alok na nanghihikayat sa makasalanan upang “anyayahan si Hesus sa kanyang puso,” hanggang sa may pananakot na pagpapaalaala na naguutos sa hindi mananampalata na “pagsisihan ang kanyang mga kasalanan.” Hindi na nakakagulat, ang mananampalataya at hindi mananampalataya ay kapwa ngayong nasa kalagayan ng lubusang pagkalito. Kahit na malinaw at tama ang pagkakabahagi ng ebanghelyo, kadalasang sinasala ng tagapakinig ang mga salita ng isang mangangaral ayon sa mga naunang maling ebanghelyo na kanyang napakinggan, kaya hindi niya maunawaan ang mensahe ng kaligtasan ni Hesu-Kristo. Sa ganitong pag-iisip, Ang Munting Aklat ng Ebanghelyo ay naisulat hindi lamang upang ipaliwanag at isalarawan ang mga konsepto na mahalaga para sa pananampalatayang nakakapagligtas tulad ng nakapagbabayad na pagkamatay ng ating Panginoon at ng katuruan ng biyaya, subalit upang magsalita at itama ang mga maling katuruan na kadalasang nauugnay sa Kristiyanong ebanghelyo. Ang paglilinaw sa maraming masalimuot na isyung teolohiya dito sa maiksi at madaling basahing munting aklat ay inabot ng kulang sa limang taon ng pagsusulat at pagsasaayos. Wala tayong alam na ibang babasahin ngayon na nailathala na nagpapahayag ng mas malinaw at tamang ebanghelyo.

TUNGKOL SA SUMULAT

Si Ron Shea ay nagkaroon ng apat na taong libreng pag-aaral sa Villanova University mula sa United States Navy.  Pagkatapos makamit ang bachelor of electrical engineering, siya ay naglingkod bilang isang naval officer. At pagkatapos ng kanyang naval service, nag-aral din siya sa Dallas Theological Seminary kung saan kinuha niya ang New Testament Literature at Exegesis, na isinalin ang buong Bagong Tipan mula sa orihinal na salitang Griyego.  Siya ay nagtapos ng may karangalan mula sa apat na taong programa ng Master of Theology. Siya ay nagpatuloy upang magkaroon ng titulong Doctor of Jurisprudence mula sa University of California, Hastings College of Law, kung saan nakamit niya ang mga karangalan sa Admiralty, Jurisprudence, at Oral Argument. Nagpastor siya sa mga iglesia sa New Orleans at San Francisco, at siyang nagtatag at pangulo ng Clear Gospel Ministries.

                         

Pauna Pahina             Kasunod Pahina

1   2     3     4     5     6     7     8     9     10     11     12     13     14     15     16     17     18     19     20     21     22     23     24     25     26     27     28