The Gospel, Tagalog, p. 21
Ang Ebanghelyo, Tagalog, p. 21
⇐ ⇒
WALANG HANGGANG KASIGURADUHAN
Kung ikaw ay mahuhulog sa pagkakasala bukas, o sa isang buwan, possible bang mawala sa iyo ang regalo ng walang hanggang buhay? Sinasabi sa Bibliya:
Na sa pamamagitan ng kaloobang ito tayo ay pinabanal sa pamamagitan ng paghahandog ng katawan ni Hesu-Kristo minsan magpakailan man. At ang bawa’t saserdote ay tumatayo arawaraw na naglilingkod at naghahandog kadalasan ng gayon ding mga handog, na hindi kailanman makapag-aalis ng mga kasalanan: Nguni’t ang lalaking ito, pagkatapos Niyang maihandog ang isang hain para sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanang kamay ng Diyos; Sapagka’t sa pamamagitan ng iisang paghahandog ay napasakdal Niya magpakailan man sila na mga pinabanal. Mga Hebreo 10:10-12,14
Ayon sa Bibliya, alin ba mga kasalanan mo ang binayaran ni Hesus nang siya ay mamatay?
❏ Ang mga kasalanan mo noon.
❏ Ang mga kasalanan mo noon at ngayon.
❏ Lahat ng iyong mga kasalanan magpakailanman: noon, ngayon, at sa hinaharap.
Ayon sa bersikulong ito, gaano kadalas na ikaw ay pinasakdal (ginawang banal) sa pamamagitan ng kamatayan ni Hesu-Kristo?
❏ Isang beses sa isang lingo.
❏ Isang beses sa isang buwan.
❏ Isang beses sa tuwing ipinapahayag at hinihingi mo nang kapatawaran ang iyong huling nagawang kasalanan.
❏ Minsan magpakailan man.
WALANG HANGGANG KASIGURADUHAN: ANG KINAKAILANGANG KATAPUSAN NANG PAGKAMATAY NG ATING PANGINOON
Ang isa na hindi mawawala na kaloob ng walang hanggang buhay dahil sa kasalanan. Ito ang pinakapangunahing dahilan kung bakit namatay si Kristo… ang bayaran ang iyong mga kasalanan!
Ito ay dahil Siya ay namatay upang bayaran ang lahat ng iyong mga kasalanan – noon ngayon at sa hinaharap – upang maipahayag ka Niya minsan magpakailan man na walang sala . . . hindi lamang ang mga kasalanan mo noon kundi lahat ng iyong pagkakasala: noon, ngayon at sa hinaharap! Ang pagtanggi mo na paniwalaan ito ay pagtanggi mo rin sa natatanging ebanghelyo mismo! (Suriin muli ang mga pahina 7-11).
⇐ ⇒
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28