The Gospel, Tagalog, p. 6
Ang Ebanghelyo, Tagalog, p. 6
⇐ ⇒
ANG MGA PAGSISIKAP NG TAO AY WALANG KABULUHAN!
Ang tao ay palaging naghahanap ng paraan upang matawid ang pagitang na naghihiwalay sa kanya at sa Diyos. Sinubukan niyang sirain ang harang sa pamanagitan ng bautismo, mabubuting gawa, pagmamahal sa kapwa, mga sakramento, pag-anib sa simbahan o sekta, at iba pa. Subalit ang Bibliya ay nagtuturo
na walang gawa ng makasalanang tao ang puwedeng mag-alis sa harang na dulot ng kasalanan na maghihiwalay sa Diyos na Banal at sa makasalanang tao.
Ang sabi ng Bibliya:
Sapagka’t kaming lahat ay naging parang marumi, at ang lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi. Isaias 64:6
Sa pagsisikap mong linisin ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng iyong mga gawa ay wala itong magagawa katulad lamang ng paglilinis ng maruming mukha sa pamamagitan ng marumi at nagrasahan na basahan. Walang anumang bagay na magagawa ang tao upang alisin ang kanyang mga kasalanan at tawirin ang harang na gawa ng kasalanan na naghihiwalay sa Diyos at sa tao.
(Basahin din ang Hagai 2:12-14; Lucas 18:10-14; Mga Taga Roma 3:20; 3:27-38; 4:5; Mga Taga Galacia 3:10-11, 21)
⇐ ⇒
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28