The Gospel, Tagalog, p. 12
Ang Ebanghelyo, Tagalog, p. 12
⇐ ⇒
SI HESUS AY DIYOS
Si Hesus ay Diyos! Siya ay walang hanggang kapantay sa lahat ng bagay ng Diyos Ama! Naging tao Siya upang mamatay para sa ating mga kasalanan, ngunit kailan man ay hindi nawala ang Kanyang pagiging Diyos!
Sumagot si Tomas at sinabi sa kaniya: “Aking Panginoon at aking Diyos.” Sinabi ni Hesus sa kaniya: “Tomas, sumampalataya ka dahil nakita mo ako. Pinagpala sila na hindi nakakita ngunit sumampalataya.” Juan 20:28-29
(Basahin din Juan 1:1, Juan 8:58-59 (cf. Exodo 3:13-14); Juan 10:30; 1 Kay Timoteo 3:16; Kay Tito 2:13; Mga Taga-Colosas 2:2,9; Hebreo 1:8)
Ang lahat ng tao na hindi kinikilala ang pagka-Diyos ni Hesus ay makakatanggap nang walang hanggang kaparusahan. Ang sabi ni Hesus:
Sinabi niya sa kanila: Kayo ay mga taga-ibaba, ako ay taga-itaas. Kayo ay mga taga-sanlibutan, ako ay hindi taga-sanlibutan. Sinasabi ko nga sa inyo na kayo ay mamamatay sa inyong mga kasalanan. Ito ay sapagkat kung hindi kayo sumampalataya na ako nga iyon, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Juan 8:23-24
(Basahin din Juan 11:25-27; 20:31; Mga Gawa 9:20, 16:30-31; 1 Juan 5:13)
BAKIT NAGKATAWANG TAO ANG DIYOS?
Sa ikalimang pahina ay natutunan natin na dahil ang Diyos ay walang hanggang banal, kahit ang pinakamaliit na kasalanan, ay walang hanggang nakagagalit sa Kanya. Dahil dito, ang walang hanggang kabayaran ay kinakailangang gawin para sa mga kasalanan ng bawat tao. Ngayon, may dalawang paraan upang maialok ang walang hanggang kabayaran: ang taong may hangganan ay maaaring magdusa sa poot ng Diyos para sa walang hanggang panahon, o kaya ang taong walang hangganan ay maaaring magdusa sa poot ng Diyos para sa may hangganang panahon. Pareho silang magbibigay ng walang hanggang kabayaran para sa kasalanan.
1. Ang tao, na may hangganan, sa gayon ay kinakailangang magdusa sa poot ng Diyos ng walang hanggan kung siya ay magbabayad para sa kanyang mga kasalanan. Kaya nga ang impiyerno ay walang hanggan.
2. Si Hesu-Kristo, ang walang hanggang Diyos sa anyong tao, ay
kinakailangang magdusa sa poot ng Diyos sa may nakatakdang panahon.
Dahil Siya ay Diyos, ang pagdurusang Kanyang tinamo sa krus ay sakripisyong may walang hanggang halaga. Samakatuwid, ang Kanyang kamatayan ang magagamit para sa walang hanggang kabayaran na kinakailangan para mabayaran ang mga kasalanan ng lahat ng mga tao sa lahat ng panahon.
Ang walang hanggang kabayaran ay kailangang gawin para sa mga kasalanan ng bawat tao. Ipinahintulot ng Diyos na ang bawat tao ay magdesisyon kung anong kabayaran ang kanyang pipiliin … si Hesu-Kristo o walang hanggan sa impiyerno.
⇐ ⇒
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28