The Gospel, Tagalog, p. 23

Ang Ebanghelyo, Tagalog, p. 23

                         

Pauna Pahina             Kasunod Pahina

Sa bersikulong nabanggit, sino ang sinasabi ni Hesus na
nakakahigit sa lahat?

____________________________________________

Gaano ba dapat kadakila ang isang tao upang maialis niya
ang kanyang sarili sa mahigpit na pagkakahawak ng Diyos?

___________________________________________

Mas nakakahigit ka ba kaysa sa Diyos Ama? ______________

Sa pagsaalang-alang ng bersikulong ito, kung naniwala ka sa ebanghelyo ng kaligtasan, maaari din kayang makagawa ka ng isang bagay na magreresulta ng walang hanggang kahatulan ng Diyos?

_______________________________________________
(Para sa karagdagang mga talata patungkol sa walang hanggang kasiguraduhan tingnan ang: Mga Taga-Roma 8:37-39; Mga Taga-Efeso 1:13-14; Juan 6:37-40; Hebreo 13:5)

KUNG GAYON, MAGPAPATULOY BA TAYO SA PAGKAKASALA?

Bagama’t walang kasalanan ang makapag-aalis kailanman ng buhay na walang hanggan sa isang mananampalataya na ibinigay sa kaniya ng walang bayad nang minsan magpakailan pa man, gayon pa man, ang kasalanan ay may mga malubhang kahihinatnan sa ating buhay ngayon at sa hinaharap.

Una, may mga likas na mga kahihinatnan ang kasalanan.

Ang isang taong labis na umiinom ng alak ay maaaring mapatay ang kanyang sarili o isang inosenteng biktima sa isang aksidente sa pagmamaneho ng sasakyan. Ang isang tao na patuloy sa paggawa ng immoral o mahalay na mga gawain ay maaaring magkaroon ng AIDS at mamatay.  Ang makilala si Kristo bilang Tagapagligtas ay makakapagligtas sa isang tao mula sa impiyerno, subalit hindi nito maililigtas ang isang tao mula sa mga masamang kahihinatnan ng makasalanan o hangal na pamumuhay. (Tingnan ang Mga Taga-Galacia 6:7-8; Santiago 2:14-17).

Pangalawa, may mga walang hanggang kahihinatnan ang kasalanan.

Ang makatanggap ng libreng tiket sa isang kapanapang pampalakasan ay makakatiyak para sa isang tao na pumasok sa isang malaking palaruan, subalit hindi nito matitiyak ang pag-upo sa unahan. Katulad ng pagtanggap ng regalo na buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo, ay makatitiyak sa isang tao ng pagpasok sa walang hanggang kaharian ng Diyos, subalit hindi makatitiyak ang taong iyon na magkakaroon siya ng mataas na posisyon sa kaharian na iyon! Ang ating katayuan sa langit at ang mga gantimpala na kalakip ng katayuang iyon ay buong nakabatay sa banal na pamumuhay at maka-Diyos na mga gawain na nahahayag sa buhay natin ngayon. (1 Corinto 3:11-17, 9:24-27; 2 Corinto 5:10-11).  Samantalang, ang mga kalayawan ng kasalanan sa buhay na ito ay maaaring magmukhang mas mahalaga kay sa pag-asa ng hinaharap na gantimpala sa langit. Itinuturo ng Kasulatan na ang mga taong ipinagpapalit ang kanilang “mana” (mga gantimpala mula sa langit sa hinaharap) sa mga kalayawan ng kasalanan ay tatangis ng walang tigil balang-araw kapag nakita nila ang mga gantimpalang di-mailarawan na kanilang naiwala noong ipagpatuloy nila ang kanilang mga makasalanang kalayawan sa buhay na ito. (Hebreo 12:14-17; Lukas 19:11-27; Mateo 25:14-30).

                         

Pauna Pahina             Kasunod Pahina

1   2     3     4     5     6     7     8     9     10     11     12     13     14     15     16     17     18     19     20     21     22     23     24     25     26     27     28